project envision
Thursday, July 16th, 2009
Ang Overhaul MegaProject, na nakadisenyo para i-reverse ang aking pagkabaon sa utang at para i-manage and aking finances ay masasabi ko na satisfactory ang naging result.
Tumakbo ang proyektong ito ng February 2009 hanggang katapusan ng May 2009. Isa sa naisakatuparan nito ay natigil na ako sa kakapeste sa aking dalawang kaibigan na babae na tuwing in between paydays, ay nangungutang ako sa kanila ng either five hundred or isang libo.
Kasali din sa aking na-achieve ay ang pagbabayad ng aking credit cards bills, BDO and HSBC, sa pamamagitan ng pagkuha ng salary loans sa HSBC.
Wala na akong utang sa credit cards as of now. At kahit binuhay ko muli ang HSBC ko (ang BDO tinuluyan ko ng tapusin), 0 balance pa din ako.
In summary, ang mga sumusunod ang aking official list ng kautangan, in amount paid monthly, name of institution at saka end of term ng payment respectively:
P3000 - Chinatrust – October 2011
P4000 – HSBC – September 2010
P600 – SSS – January 2011
Suma total, ang obligations ko monthly sa mga financial institutions ay nasa P7600.
Other Debts:
Utol - P4500
Girl friend A – P1200*
Girl friend A – P1200*
Lupa – P7000
*Sabi ko sa December ko na lang babayaran at magiisang taon na ito hahaha. Sarap ng may kaibigan na pwedeng abusuhin. Joke lang.
Sa pag-iimplement ko ng Overhaul MegaProject, nakapag-open din ako ng savings account sa GE Money Bank.
Status Report:
Ngayong tapos na ang MegaOverhaul Project, ilalabas ko na din ang failures nito.
Dapat ay mag-oopen ako ng dalawang savings account at magseset-up ako ng vanity fund, pero due to circumstances at lack ng self-discipline ay hindi ko ito nagawa.
Ang savings na nabanggit ko ay balak ko sana na mag-ipon para makapag-aral o ma-aacumulate ng enough money para mag-invest or major travel. The other savings is reserved naman as emergency funding, lalo na para sa magulang ko.
Ang vanity fund naman is a kind of reserved fund na kahit papaano, hindi ko mararamdaman na tinitipid ko ang sarili ko. Ito ang gagamitin ko sa mga simpleng leisure and shopping na naka-budget lang.
Nais ko din sana kumuha ng life insurance pero hindi rin ito nag-materialize.
Medyo magastos pa din ako at ang detailed planning ko na nakasulat sa diary ko ay hindi natupad.
May isa pa akong di kagandahang balita. Ang initial funds sa GE Money Bank ay medyo nag-dwindle na.
Tapos ang pera ko sa kooperatiba dito sa opisina ay nagalaw ko na. Kasi kailangan ko magrenew ng memebership sa gym. Naniniwala ako na health is wealth at lagi akong kandiddato sa mga lung ailments e.g. bronchitis at asthma.
Analysis:
Kung ano ang naging success ng Project MegaOverhaul ay sya naman pagbagsak din ng mga na-achieve ng matapos ito dahil sa aking kapabayaan.
Solution: Project Envision
I’ll be implementing another financial overhaul project at tatawagin ito na Project Envision.
It will starts September 2009 and it will ends December 2010.
Ang goals ng Project Envision is:
- Mamaintain lang ang progress sa pagbabayad ko ng loans. To keep them on track and on schedule.
- Mabayaran ko na ang 2400 na utang ko sa dalawa ko na barkada hehehe at 4500 sa aking kapatid. Pati na rin ang kulang ko na 7000 na pambayad sa lupa.
- Maipatuloy ang paghuhulog ko sa GE Money Bank for emergency.
- Makapagset-up ng ikalawang savings account para panahon na dapat ako mag-aral.
- Ituloy ang vanity fund.
- Kumuha ng life insurance.
- Makabili ng laptop ng di ginagamit ang credit card.
Hindi ko na i-boblog ang detailed plan.. Ii-streamline ko pa ang mga ito para maging maayos at hindi mag-cause ng pressure sa akin, lalo na sa social at love life ko, na pareho yata akong wala hahaha.
Anyway, ang Project Envision ay para talaga makabili ako ng laptop. Nye he he
Bakit? Mahalaga kasing mailipat ko na ang pinagsusulat ko na nobela mula long hand (gamit ang lapis at papel) papunta sa computer. Sa tingin ko naman it will be a good investment in my pursuit of creativity.
Having a neat, flexible and practical financial battle plan that could almost work on its own, will free me of psychological burden that cause by lack of control when it comes to money.
I always believe in abundance still and not just money. I aim to focus more on enjoying the small and big things that matters to me to the fullest with the limited resources I have for now, that I may live every second as if my last one.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


