bumalik kung saan ako dati: wala
Thursday, August 20th, 2009
Anong idadahilan ko sa aking mga pangarap?
Kung nahuli nila akong tinuturuan ang anino sa pader..
Paano iuntog ang sariling ulo; basagin ang sariling mukha.
Anong bibigkasin ko sa mga alikabok sa aking paa?
…na malapit na silang maging putik,
At hindi na muling makakasabay sa paglipad
ng mga saranggola
Kung ipapanganak ko silang muli
Baka magtampo ang mga luha,
Baka hindi na dumaloy,
hindi na ako damayan sa aking pag-iisa.


