Set your footprints in a place where it won’t fail. In my world I’ll take you. In a sky unshaken, where both sun and air collapse in muteness... Please roll your breath down on my face, lead it to my chest, lift my voice like the way your eyes open doors--from this day that I am certain, from this day that I am unknown. I have nothing from the very beginning, I'll be getting nothing in the end. Look this is my life, it should not pass you by.

Home » Post Item » karete

karete

Wednesday, December 16th, 2009

 


para sa panahon na hindi na darating
para sa ala-ala na ayaw mo nang angkinin
mga kahilingan na hindi ko maiwasto
bakit ang dibuho ng buhay na ito biglang nagbago

kamusta kamusta
bakit muli mo itong sinasabi
ngayong dapit hapon na sa kwento natin dalawa
 
paalam paalam
ang iyong paalam maghapon namutawi
sa haligi ng pag-ibig na nawalan ng silbi

para sa panahon na baka sakaling dumating
para sa mga ala-ala na akin pala sa huli
mga kahilingan higit pa sa pangarap
bakit ang mga hibla ng buhay
hindi na maibabalik

   

*finally a poem after the longest time. written today (December 16, 2009). 4:42 PM Makati City

Posted by argunn at 4:40 pm | permalink

Previous Comments

aawww. sobrang moving…

hay, ang galing! i miss writing poems na din!

Posted by wanderer at December 16, 2009, 6:20 pm

simple

subalit puno ng emosyon

gayunman, habang binabasa ito, hindi ka naman nilulunod sa emosyon

mahusay

Posted by anteros' dominion at December 17, 2009, 6:54 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment